Magandang araw po sa inyo, nagagalak po kami at nagustuhan ninyo ang aming mga kinakalap na akda. Marami sa mga ito ang isinulat lang namin muli mula sa iba't ibang dako ng Internet sa ilalim ng batas ng "fair use".
Iyon ang isa sa mga bagay na lagi rin naming pinagninilaynilayan - ang mga alamat ba ay nasasakop sa mga isyung pangintelektual na pagmamayari? At kung gayun, sino nga ba ang may karapatan sa mga ito?
Parang itinanong na rin namin kung sino ang may-ari ng mga kwentong sinambit sa iyo ng iyong mga lolo at lola, hindi po ba?
Sapagkat ang pinagsibulan naman ng mga akdang ito ay hango sa mga usap-usapin at salaysay ng mga matatanda sa mga bata.
Maganda rin nga sana kung mayroon kaming kapasidad na mangalap ng mga alamat na unti unti ng nababahiran ng kung ano-anong mga impluwensiya na galing din naman sa labas. Interesado po kami na makipagtalakayan sa inyo ukol sa mga bagay na ito.
Sa Mga Estudyante/Faculty
Hindi po kami ang nagsulat ng mga alamat na ito. Tulad ninyo, hinanap at kinalap din lang namin ang mga ito mula sa mga iba't ibang dako ng Internet at muling isinulat sa aming sariling pagkakaintindi tulad sa tunay na espiritu ng mga alamat.
Ang blog po na ito ay sadyang pang-aliw lang namin sa aming mga sarili at hindi naming ninanais gamitin ng mga akademiko.
Kung kayo po ay may katanungan at mga bayolenteng reaksyon, tumalon po kayo ng sampung beses, umikot ikot, kumandirit habang hinahawakan ang inyong mga ilong. Maraming salamat po.
Naniniwala kami na kahit sino ay pwedeng gumawa ng kanilang sariling mga alamat.

Alamat by Alamat ng Pilipinas is licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 Unported License.
Based on a work at www.alamat.com.ph.
Permissions beyond the scope of this license may be available at http://www.alamat.com.ph.
No comments:
Post a Comment