Alamat ng Durian - Legend

English Translation at the Bottom
Noong unang panahon, may isang hari na tumanda na ngunit hindi pa nakakapag-asawa. Inuna kasi ng hari ang pagpapalakad at pagsasa-ayos ng kanyang kaharian kaya’t hindi na nito naatupag ang pagpapakasal. Mahal ng mga taong bayan ang nasabing hari sapagkat ito ay mabait at makatarungan kung kaya’t hinikayat nila ito na humanap ng mapapangasawa.

Di naglaon ay nakahanap nga ito ng isang maganda ngunit mas batang dalagang pakakasalan. Pumayag ang dalaga na pakasal sa hari dahil na rin sa iginagalang niya ito. Subalit hindi mahal ng dalaga ang hari. Ikinasal nga ang dalawa at dinala na ng hari ang kanyang bagong asawa sa palasyo upang dun na manirahan.

Araw araw na sinusuyo ng hari ang kanyang asawa. Pinapagawaan niya ito ng mga magagandang mga damit at binibigyan ng mga mamahaling mga alahas. Lahat din ng hilingin ng asawa ay binibigay ng hari. Mahal na mahal ng hari ang kanyang asawa ngunit maski anong gawin nito ay hindi magawang mahalin ng batang reyna ang hari. Matanda na raw kasi ito at para na lang niya itong ama. Hindi na alam ng hari kung ano ang kanyang gagawin upang mapa-ibig niya ang asawa.

Isang araw, may isang ermitanyo ang dumating sa palasyo. Narinig niya ang problema ng hari at meron daw siyang solusyon para dito. Binigyan ng ermitanyo ang hari ng isang liquido na aniya ay gawa sa itlog ng itim na ibong Tabon, gatas ng puting kalabaw at patak ng dagta ng isang mahiwagang puno. Kelangan daw na itanim ito ng hari at ang bunga ng puno nito ay siyang ipapakain niya sa reyna.

Ginawa iyon ng hari at nang nagkabunga ang puno ay siyang pinakain sa reyna. Napakasarap ng bunga ng nasabing puno. At tulad nga ng sinabi ng ermitanyo ay parang may gayuma ang bunga at napa-ibig ang reyna sa matandang hari.

Natuwa ang hari dahil sa wakas ay mahal na rin siya ng kanyang asawa. Dahil dito ay nagpasya ang hari na magbigay ng isang malaking piyesta. Inimbitahan niya ang lahat ng mga mahahalagang tao sa kanyang kaharian. Maging ang mga taong bayan ay imbitado sa pagdiriwang.

Ngunit may isang taong nakaligtaan ng hari na padalhan ng imbitasyon. Ito ay ang ermitanyong nagbigay sa kanya ng gayumang prutas. Narinig ng ermitanyo ang tungkol sa nagaganap pagdiriwang. Pinuntahan nito ang hari at ipinaalam sa kanya na dahil sa nakalimutan nito ang mismong taong nakatulong sa kanya ay paparusahan niya ito.

Nilapitan niya ang puno na may gayumang prutas at nagwika ng orasyon. Pagkatapos ay bigla itong naglaho. Simula sa oras din noon ay biglang tinubuan ng mga tinik ang prutas at nagkaroon ng mabahong amoy. Dahil dito ayaw ng kainin ng reyna ang prutas. Nawalan rin ang bisa ng gayuma sa kanya at nawala ang pagmamahal niya sa asawa. Iyon ang pinakaunang prutas ng durian.


The Legend of the Durian Fruit


Once a upon a time, there lived a king who grew old without having married. The king was too preoccupied with running his kingdom smoothly and peacefully that he had put off marrying to later. The townspeople loved their king because he was kind and just. They encouraged him to find a woman to marry.

Soon enough, the king found a beautiful but much younger woman to marry. The young woman respected the king so she agreed to marry him. However the woman did not feel any love for him except as a king. The two were married and the young woman was brought to the palace where she was to live.

The king tried to woo his wife every single day. He would have beautiful dresses made for her and bought her the most expensive jewelries. He gave everything that his wife would ask for. The king loved his wife very much however she could not learn to love him back. He was too old she said and she likened the king to that of a father. The king no longer knew what he could do to make his wife fall in love with him.

One day, a hermit came to the palace. He had heard of the king’s problem and claimed that he had an answer to it. The hermit gave the king a potion that was made from the egg of a black Tabon bird, the milk of a white buffalo and a drop of the sap from a magical tree. This was to be planted on the ground and the fruit that grows from it was to be fed to the queen.

The king did as instructed by the hermit. A plant indeed grew and soon it bore fruits which he fed to the queen. The fruit was very sweet and delicious. As the hermit had said it, the fruit had a magical effect and the queen soon fell in love with the old king.

Because he was now loved by his wife, the king was very happy. He threw a feast to celebrate this. He invited all of the important persons in the kingdom. Even the townspeople were invited to the celebration.

However, he left out one person. He had forgotten to invite the hermit who gave him the fruit. Upon hearing of the feast thrown by the king, he went to the palace where there was still celebration going on. He told the king that he was to be punished because he had been ungrateful to the person who helped him.

The hermit went near the plant and uttered a short incantation and then disappeared. Soon the fruit grew spikes and emitted a bad odor. Because of this, the queen would not eat the fruit and the magical effect wear off from her. She went back to her old self who did not love the king.

That became the very first durian fruit.


Researched and Rewritten by Lovedy on Google+

Alamat ng Bulkang Mayon - Volcano

English Translation at the Bottom
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.

Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.

Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.

Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.

Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.

Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.

Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.

Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.

The Legend of Mayon Volcano

A long time ago, there lived a young woman named Daragang Magayon. She had many suitors because of her beautiful face and fair skin. Her father, Rajah Makusog had consented to Magayon marrying someone. Afterall his daughter was already of right age, he says. But Magayon was quite picky as she said she would only marry someone whom she surely loved.

One day, while Magayon was bathing in the river, she suddenly slipped and fell into the deep part. She didn’t know how to swim and would have drowned if not for Panganoron who saw her fell. Panganoron, the brave son of Rajah Karilaya, was hunting that day when he heard the cries of Magayon. He hurriedly jumped into the water to save her.

Panganoron was smitten by Magayon’s beauty that he courted her and the woman also fell for the brave man who rescued her from drowning. Soon, the engagement of Magayon and Panganoron was announced all over the kingdom and the date for marriage was set.

However, Pagtuga, a suitor of Magayon heard the news and devised of a plan to stop the wedding. He kidnapped Magayon’s father, Rajah Makusog, and refused to let him go unless she agrees to marry him. Magayon loved her father very much and could do nothing but agree to Pagtuga’s conditions.

She went to Pagtuga’s place to give herself in exchange for her father. Panganoron heard of what Magayon did. He gathered all of his brave warriors and went after Pagtuga.

A great battle happened between the two camps. Pagtuga was no match for Panganoron; he was killed by the great warrior. When Magayon saw that her sweetheart had killed her captor, she rushed to Panganoron. But before they could even get close to each other, a stray spear struck Magayon’s back. As Magayon fell down lifeless, Panganoron was also struck down with a machete by Pagtuga’s trusted warrior. Rajah Makusog saw what happened. The Rajah ensued the person who struck Panganoron and killed him.

After the battle, the rajah took home Magayon and Panganoron’s lifeless bodies. He buried the lovers together in a grave he himself had dug.

A few days after, the people noticed that the grave of the lovers had risen up. It grew high and turned into a huge land form with a shape of a cone. The people named the beautiful new land form Mayon after their beautiful princess Magayon. At times when the Mayon roared and shook, the people says it shows the love that Magayon ang Panganoron had for each other.


Researched and Rewritten by Lovedy on Google+

Alamat ng Bulkang Taal - Taal Volcano Legend

Noong unang panahon, ang bayan ng Tagaytay ay pinamumunuan ng isang matanda ngunit makapanyarihang lalaki. Siya ay nagngangalang Lakan Taal. Iginagalang ng mga taombayan si Lakan Taal sapagkat siya ay matalino at makatarungan sa kanyang pamamahala. Halata nga na isang magaling na pinuno ang matanda sapagkat ang kanilang bayan ay maunlad at maasenso.

Maayos ang pamamalakad sa bayan at walang balita ng mga kaguluhan dahil sa malaking reespeto nila kay Lakan Taal. Maganda rin ang komersyo ng lugar. Maganda at masagana ang kanilang mga ani kung kaya't nakakapamunga sila ng mga kape, abukado at iba pang mga bungang kahoy.

Isang araw, dali-daling pinulong ng matanda ang kanyang mga tapat ng taga-sunod. Dinala ni Lakan Taal ang mga alagad sa isang liblib na parte ng kakahuyan. Pinag-sabihan ng matanda ang mga ito na pinagbabawalan na niya ang sinoman na magpunta sa tuktok ng bundok na kanyang itinuro. Sa malayo mapapansin na ang bundok ay luntian at sagana sa mga punong-kahoy. Dahil sa malaki ang paggalang nila sa pinuno ay sumang-ayon ang mga alagad at ipinangakong ipagbibigay-alam sa taong bayan ang utos ng matanda. Pinagsabihan nga ng mga ito ang taombayan at mahigpit namang sinunod ang utos ng pinuno. Walang sinoman ang mangahas na suwayin ang utos ni Lakan Taal.

Masaya at kuntento ang mga taong bayan sa pamamalakad ni Lakan Taal ng bigla na lamang nawala ang matanda. Ni wala man lang itong pinagbilinan kung saan siya pupunta. Hinanap ng lahat ang kanilang pinuno ngunit hindi nila ito makita. Nagpunta ang mga alagad hanggang sa kasuluk-sulukang parte ng bayan at maging sa mga kakahuyan ngunit wala si Lakan Taal dun. Walang nakakita o makapagsabi kung nasaan ang matanda.

Ilang taon na ang nakalipas simula nang maglaho ang matanda ngunit hindi pa rin ito natatagpuan o bumabalik sa bayan. Kahit masagana ang pamumuhay nila ay hinahanap-hanap pa rin nila ang mabait na pinuno.

Isang araw, may nagmungkahi na akyatin nila ang bundok na pinagbawalan ng matanda na puntahan. Baka naman dun daw nagtatago ang matanda. Sumang-ayon ang taong bayan na sabik malaman kung anong meron sa nasabing bundok.

At pumanhik nga ang mga ito sa nasabing bundok; sa itaas nakita nila na may malaki itong butas. Sumilip sila sa loob at nakita na puno ito ng mga makikinang na mga bato, mga perlas, diamante at iba pa. Nagtulakan at nag-away- away ang mga ito sa pakikipag-unahang makakuha ng mga yaman. Dumadagundong na boses ni Lakan Taal ang pumigil sa mga ito at nagsabing kaya hindi sila pinapapanhik sa nasabing lugar dahil sa alam niyang ganito lamang ang kahihinatnan ng lahat.

Dahil sa galit ni Lakan Taal, hiniling nito sa Bathala na magkaroon ng malakas na kidlat at kulog at unos. Hindi pa natatapos ang matanda na nagsasalita nang dumilim ang paligid at nangyari ang sinabi nito. Lumindol din ng malakas at ang bundok ay nagbuga ng apoy na siyang ikinasawi ng mga taong sumuway sa utos ng matanda.

Ang bundok ay pinalibutan ng tubig at maging ang butas sa tuktok ng bundok ay nagkaroon ng lawa upang walang sinoman ang makakuha ng mga kayamanan. Simula noon ay tinawag ang bundok na Taal mula sa matandang pinuno.


Legend of Taal Volcano


Once upon a time, the town of Tagaytay was ruled by an old but powerful man. He was known as Lakan Taal. The townspeople loved and respected their leader because he was wise and just. The town was progressive because of Lakan Taal's good governance.

The town was peaceful and orderly because the people had high respect for Lakan Taal. Even their industry was booming. The people were able to produce good crops of coffee, avocado and other fruits.

One day, the old man met up with his trusted followers. He brought them to an unchartered part of the forest. He told his followers that from that day on, he forbids anyone to climb the top of the mountain he was pointing to. From a far, the mountain looked rich in trees and natural resources. But because they respected decisions from Lakan Taal, the followers swore that they would never climb the said mountain. They were also charged to tell the townspeople of Lakan Taal's strict orders. The townspeople, on the otherhand, did as they were told and from then on no one dared to climb up the mountain.

The people were happy and contented with Lakan Taal's rule when the old man suddenly disappeared. He told no one where he was going so that nobody could tell or know where he was. The townspeople searched high and low and every nook and cranny of the little town but he was nowhere to be found.

A few years passed since Lakan Taal disappeared but he was not found nor did he returned to the town. The town was still progressive but the people still missed their beloved leader.

One day, someone suggested that they climb up the top of the mountain that the old man had forbidden them to. They thought that maybe they would find him there. The people all agreed as they were eager to find out what was in the summit.

They went up the mountain and found out that there was a hole in its summit. They looked inside the hole and found lots of precious stones such as diamond, pearls, rubies, etc. Soon everyone was fighting to get the precious stones for themselves. The familiar sound of Lakan Taal's voice stopped them from fighting. The voice told them that this is the exact reason why he forbade them to climb up the mountain as he knew they would end up fighting with each other.

Lakan Taal was angered by the townspeople's actions that he wished Bathala that there would be lightning and thunder and a strong calamity. He was barely finished when the place suddenly turned dark and everything he had said occured. A strong earthquake soon shook the place and the mountain was shooting fire from its hole. This killed the greedy townspeople.

The mountain was then surrounded by water and the precious stones found in its hole was submerged in water so that no one could get it. From then on, the mountain was called Taal from the old and wise leader.




Researched and Rewritten by Lovedy on Google+
Translated and Formatted by 

Mga Alamat